United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Baga man culang pa sa tapat na cagulan~gan ang cutad na pag-iisip sa tungculing n~gayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong hirap, macatupad lamang sa adhica n~g m~ga capatid sa mabigat na pasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan n~g bigcás, gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan.

Caya mahal na princesa cun may galit ca pong dalá, aco ay natatalagá sa bala mong iparusa. Sagot nang princesang mahal cahit aco'i, may galit man, ay sa iyong pagcalagay nagdalá nang caauaan. Aling bagsic nang justicia ang magbibigay parusa, sa pacumbabang may sala dapat ang misericordia. Cun ang apóy na mainit nagniningas na masaquit, capag-sinubhán nang tubig mamamatay siyang pilit.

Ináng nag mamahal ay di alintana cahit di sumunod cun utusan niya, loob ay malinis sa anác na sinta palibhasa,i, bugtong at iisa isa. Nang mag cabait na,i, naguing cagauian umaalis siya sa canilang bahay, sa man~ga capoua,i, hindi omaabian na naquiquilaró sa canino pa man.

Dinguin ang nangyari cay Faraon. Si Sara, nang maquita ni Faroan ay quinalugdán, at pinagnasaang camtán, at cahit di tanto na esposa ni Abraham, ay pinarusahan din nang Dios, na iniramay sampo nang man~ga casambaháy. Sa man~ga di binyagan ang casalanang ito ay pinarurusahan nang catacot tacot; at, palibhasa,i, inaaring casama samaan.