United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya ang carampatan ay malasin nang magulang ang cahinguilan nang anac, at sacá ilagay sa estado na caniyang guinahihinguilan. N~guni hindi carampatan na ipag dumali, catatauag muna sa Dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali.
Titingnan anaquin, ang cahinguilan nang anac, at ang tularan ay ang magugulang na taga Atenas, na nag mamasid muna sa caugalian nang anac at ibinabagay sa ugali nang anac ang estadong ibinibigay. Gaya sa cahariang ito naquita ang man~ga tauong balita sa carunun~gan, at ang man~ga guerrerong bantóg sa catapan~gan, na pinag tac-han nang boong mundó.
Salita Ng Araw