United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cahiman, Feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang cubiertos sa pagcain; dito,i, isusulat co rin ang man~ga cahatolang dapat alinsunurin. Di mo cailan~gan ang saysayin co sa iyo, pagca,t, datihang cang gumamit; n~guni quinacailan~gan nang iba, na di nacaaalam, sapagca,t, cun maanyayahán sa isang piguing na di sumusubo nang camáy ¿ano ang masasapit cun di marunong?

URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina. Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.

Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanán nang man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang anac na babaye. Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala. Ang Confesor cay Urbana .

Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Dito na minulan ang pag babagong loob nitong naglilo sa asaua, at hangang sa matapos ang caniyang buhay, naninta,t, naglingcod cay Guinoong Santa María, na caniyang pinag cautan~gan nang gayong daquilang aua. Sa salitang ito, Feliza, han~goin mo ang cahatolang ucol sa iyo,t, cay Amadeo. In~gatang cayo nang Dios. Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo . MANILA ...

Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.

Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang paquinaban~gan namin: Adios, Urbana. Si Urbana cay Feliza . MANILA ... FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating catauan.

FELIZA AT AMADEO: Ibinabalita sa aquin ni Urbana na tinangap ninyo ang Santo Sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihin~gi na cayo,i, sulatang co, at ipaaninao ang man~ga santong cahatolang ucol sa bagong estado, na inyong tinangap.

Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na sulat aquing ilalagay. Adios Urbana. Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i, maguing ina.

URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap