United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua. Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na man~ga cahatolan.

Gayon man sa casunód na sulat, sasaysayin co ang man~ga cahatolán na dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac. Pagcallooban nauá cayong mag asaua nang Dios nang magandang capalaran. Adios, Feliza at Amadeo. Isang Sacerdote cay Amadeo,t, cay Feliza . MANILA ...

Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan. Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap