United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa magaling. Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malápit ang catauan sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob ang cahalayán, ay houag pabayaang masunód ang masamang cáasalán.
Ang cay Margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanán ang ban~ging malalim na cabubuliran. Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios nang pait, ang man~ga mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot.
Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim. Binidbid ang gayong caparan~galanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa ban~gin niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang.
Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran niya, n~g malaking catampalasanan, ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan. May man~ga asauang cusang humahandog sa cahalayan n~gang cakilakilabot, ang binata namang nagbibiling lubos niyong calulua, sa camunting lugod.