United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang uica ni San Basilio cun ang babae ay vírgen, vírgen naman ang pagtin~gin, vírgen ang caasalan, vírgen ang lahat nang quilos, vírgen ang boong catauan. At cun di rin lamang maca pag iin~gat; nang calinisan, ay iquita agad nang cagamotan sa Santo Sacramento nang matrimonio, sa pagca,t, ang uica ni San Pablo ay mahan~gay mag asaua cun masusunod din lamang nang apóy nang calupaan.
Pagca nagca gayon na,i, daan na nang pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang masamá, ay di nagcacalayó, ang uica ni San Gregorio Nazianceno Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan nang cagamotan: ay ¿saan caya naroon ang bait nang isang ama ó ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumirá ang isang binata, sapagiimbót nang suyô? ¿di ang cahulugán nito,i, sila rin ang cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang canilang anac na dalaga?