United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nakikilala co ang isá, iyóng namatáy, ang isinagót. Napagtalastas co cagabíng may isáng bagay na caniláng inaacalang laban po sa inyó, dahil sa iláng m~ga salitang canyang isinagót sa isáng lalaking hindî co kilalá na nawalâ sa cadiliman. "Hindî itó cacanin n~g m~ga isdáng catulad n~g canyáng amá: makikita pô ninyó búcas", anya, Ang m~ga salitáng itó'y siyang nacahicayat sa aking pagdidilidili, hindî lamang sa taglay na canyang cahulugan, cung hindî sa taong nagsalitâ, na niyóng araw pa'y nagcusang humaráp sa "maestro de obras" at canyang sinabi ang canyáng han~gad na siyá na ang mamamatnugot n~g m~ga gawain sa paglalagáy n~g unang bató, na hindî humin~gi n~g malakíng bayad, at ipinagbabansag ang malalakíng canyáng m~ga caalaman. Walâ acóng pagsaligang casucatan upang masapantal
Salita Ng Araw