United States or Pitcairn Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagníningning ang canyáng m~ga matá, namamayat ang canyáng mukhâ, lugáy at gusót ang canyáng m~ga buhóc, binibigyan siya n~g buwán n~g cacaibáng anyô. ¡Si Sisa! ang bigláng sinabi ni don Filipo, at saca siyá humaráp cay capitang Basilio, samantalang lumálayô ang ulól na babae. ¿Hindi po ba na sa sa bahay siyá n~g médico? ang itinanóng; ¿gumaling na po ba?

Nagunitâ ni María Clara sa gayóng nakita ang isáng sacunâ, at pinagsumakitang itanóng cung anó anó nangyayari sa cacaibáng táong iyón.

At nagdalidali n~g mainam na pagyáo at paghanap sa canyáng m~ga caibigang babae. Nagpaalam si Ibarra n~g macaraán ang iláng sandali, sa pagca't canyáng nakitang walang salang pápanglaw ang pagpupulong na iyón; maasim na matamis ang pagmumukhâ ni capitang Tiago, hindi umiimic si Linares at nagmámasid, ang curang nagpapacunuwaring nagágalac ay nagsasalitâ n~g m~ga cacaibáng bagay.

At lumayô sa pulutóng na iyón ang binatang may cacaibang asal. Halos tamátacbo ang isáng táong masayá ang pagmumukhâ, pananamit filipino ang suot, at may m~ga botones na brillante sa "pechera."

Sumásaganitóng malungcót na pakikipagsalitaan sa sarili ang mabait na si Linares n~g dumating si pari Salví. Ang catotohana'y lalo n~g payát at namumútla ang franciscano cay sa dati, n~guni't nagníningning sa canyáng m~ga matá ang isáng tan~gíng liwanag at sumusun~gaw sa canyáng m~ga labi ang isáng cacaibáng n~gitî.

Tinatawag siyáng Don Anastasio ó filósofo Tasio n~g m~ga táong may pinagaralan, at ang m~ga masasamâ ang tûrò, na siyáng lalong marami, tinatawag siyáng Tasiong ul-ól, dahil sa hindî caraniwang canyáng m~ga caisipán at cacaibang pakikipagcapowa-táo.