United States or Fiji ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagsitidindig ang m~ga nauupô, ang m~ga natutulog ay nan~gáguisíng dahil sa cacacampanilla at sa matunóg na voces n~g m~ga cantór. Tila totoong natutuwâ si Párì Salví, baga man siyá'y may mukhang walang caibigan, sa pagca't sa canyá'y naglilingcód na diácono at subdiácono ang dalawá pa namáng agustino.