United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang Simbahang yao'y pagaua rin naman niyong Emperador Carlomagnong hirang, caya n~ga't ang bilin ay nang maisaysay siya'y nagbalic na sa palacio real. Magmula na noo'y nabalitang tikis ang cay Carlomagnong cabutiha't bait, siya ang nagtatag niyong Doce Pares taglay nang caniyang cagandahang isip.
Tila mandîn totoong lumiligaya si Fr. Sibyla: tahimic na lumalacad at hindî na námamasid sa canyáng nan~gin~gilis at manipís na m~ga labì ang pagpapawaláng halagá; hanggáng sa marapating makipagusap sa pilay na si doctor De Espadaña, na sumásagot n~g putól-putól na pananalitâ, sa pagcát siya'y may pagcá utál. Cagulatgulat ang samâ n~g loob n~g franciscano, sinisicaran ang m~ga sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán n~g masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casagan