United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang naisipan co, ang uica ni cabezang Angi, ang naisipan co,i, sumulat sa lihim cay Proper, at mag-usisa sa caniya, cung totoo, ó hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang sagot, ay mahahañgo na natin ang dapat nating paniualaa,t, gauin. Ay siya, ang sagot ni Dales, ay siya, magpasulat ca na cay Pili, nang matanto nating madali itong mañga bagay na ito.

¿Ay ano baga, hindi caya sumamá roon ang caniyang dating mabuting ugali? Ang damdam, , namin, ang sagot ni cabezang Angi, ang damdam, , namin, ay hindi siya sumasamá, cundi umiigui pa, , sa dati. Salamat, cung ganoon, ang uica nang Cura, salamat, cung ganoon, subali,t, iba ang aquing balita. ¿Ano, , ang iyong balita? ang tanong nang mag-asaua.

Natacot na totoo, si Próspero dito sa mañga uicang ito nang caniyang tatay, caya nagmabait siya,t, nagmasipag nang panibago. Datapoua,t, halos di pa bahao ang mañga sugat nang caniyang pigui, ay nauala na sa caniyang loob ang pagbabala pati pañgañgaral sa caniya ni cabezang Andrés, at nagsauli siya sa dati niyang masasamang caugalian.

Malaqui ang toua nilang lahat nang mabalitaan nang ganoon, subali,t, ang toua ni cabezang Angi, nang matanto niya ang napalaman sa sulat ni Próspero, ay lumalo na di hamac sa lahat, palibhasa,i, mayroon nang tatlong taong di nasisilip-silip niya ang muc-ha nang caniyang caibig-ibig na anac, at gustong-gusto niyang maquita.

Naniuala si cabezang Angi sa pañgaco nang caniyang anac, at naniuala naman si Felicitas; subali,t, iba ang nangyari.

Nang magcagayon ay naaua naman si cabezang Dales sa caniyang anac, at hindi lamang hindi ipinagsama niya sa trabajo , cundi bagcus, ay ipinagtagubilin sa mahigpit cay cabezang Angi, na ipagamot sa mañga mediquillo , at alagaan niyang maigui.

Yumaon na si cabezang Dales sa Convento, at nagtuloy sa caniyang bahay, at palibhasa,i, balisa ang loob ni Felicitas, ay sinalubong niya sa pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya ang naguing hatol sa caniya nang Padre Cura, at ang sagot nang caniyang tatay ay ganoon: Ang hatol sa aquin nang ating Cura ay paris din nang hatol mo, na houag co bagang paluasin si Proper, na baca sacali, aniya,i, mapahamac.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Ñgayon, , aniya, ñgayon, po,i, cung gusto ninyo, ay itutuloy co, , ang aquing binabasang salita nang tatay co. Ituloy, , ninyo, ang aquing sagot. Nang umalis ang aming Cura, at maiuan nang mag-isa ang naturang mag-asaua, ay nag-uica si cabezang Angi sa caniyang asaua nang ganito: ¿Ano baga, Dales? Totoo caya ang ipinamalita sa atin nang ating Cura?

¡Ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang Dales, na paluasin ang canilang anac na si Prospero sa Maynila nang mag-aral doon, anila, nang caunti! ¡Hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,i, naguudioc sa canila sa gayong bagay!