United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang mag-asaua ni cabezang Dales, baga man mababait na tauo, at mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata nila,i, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas; magcompisal sa panahon nang Santong cuaresma, magrosario na gabi-gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay tinutucoy nila,t, sinasamantala sa pagtatrabajo at sa paghanap nang pagcabuhay.

¿Baquit caya ang mag-anac ni cabézang Dales, na mababait na tauo, at dati-dati ay mayayaman, na parang sinabi co sa itaas, ay naguing mahihirap, na macain man ay uala? Baquit caya ang cadalamhatian nang loob, ay siyang iquinamatay ni cabezang Dales, ni cabezang Angi, at ni Felicitas?

Salamat, , ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, , nang maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, , ninyo ang aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, , cayong ipag-uutos sa aquin.

Tiguilan mo iyang balita mong iyan, Angi, ang biglang sagot ni cabezang Dales, na tila,i, may cahalong galit; tiguilan mo iyang salita mong iyan, Angi, at houag mong pagbintañgan si Pili at houag mo siyang siraan nang puri.

Itong lahat nang ito,i, nagcataon sa catapusan nang icapat na taong magmula nang si Prospero,i, nag-aaral sa Maynila at casalucuyang siya,i, inaantay nang caniyang magulang dito sa Tanay, alinsunod sa caniyang pangaco, na siya,i, paririto at magvavacasion dini sa caniyang bayan. Calumbay-lumbay ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales dahilan dito.

Lumaqui itong dalauang anac ni cabezang Dales, at naguing bagong tauo at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila una-una,i, gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at dalaga sa panahong yaon, sa pagrorosario baga, sa pagsisimba cung sabado, sa pagdarasal, sa paggamas sa patio nang Simbahan, at sa iba,t, iba pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga.

Naiuan nang mag-isa si cabezang Angi dito sa mundo , at sa uala siyang pag-aari, at sa ualang macacain, at sa ualang pagtitirhang bahay, ay naquisuno siya sa isang camag-anac niya, na maigui-igui ang pagcabuhay. At baga man mabuti ang pagtiñgin at pag-aalaga sa caniya nitong caniyang camag-anac, ay hindi gumagaling-galing ang loob ni cabezang Angi.

Houag cang magbaliu-baliu, Pili, ang sagot ni cabezang Andrés. ¿Baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si Proper, ganiyang cabait siya, paluasin co man siya sa Maynila?

Malaquing-malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,t, saya nang mag-asaua ni cabezang Dales, nang mariñgig nila ang napapalaman sa sulat nang canilang anac na si Próspero. Minamariquit nilang totoo ang mga sinasalita roon ni Proper; at ang isip nila baga,i, nacarating na ang canilang anac sa cataluctucan nang carunuñgan.

Subali,t, nang aalis na ang aming Maguinoong Capitan, ay ipinamanhic ni cabezang Andrés sa caniya, na cung mangyayari sa caniyang loob, ay houag bagang ipaembargo niya muna ang canilang pag-aari, at siya,i, magbabayad at magbabayad nang lahat na ualang culang.