United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagcakita sa caniláng m~ga mukháng ang cabatáa'y tumatawa at ang pag ása'y maníningning; sa panonood n~g linipadlipad n~g caniláng malalagò't maiitim na buhóc at malalapad na cunót n~g canilang m~ga damít, marahil ipalagáy nating silá'y m~ga diosa n~g gabí, cung dî sana talastás nating silá'y si María Clara na casama ang canyáng ápat na caibigan: ang masayáng si Sinang na canyáng pinsan, ang hindî makíbuing si Victoria, ang magandáng si Iday at ang mahinhing si Neneng na matimtiman at kimî ang cagandahan.
Isinangguni ang canyang m~ga pag-aalinlan~gan cay sargento Gómez, na n~g panahón n~g canyáng cabataa'y naghan~gad na magpari. Hindi napaparoon sa Madrid cailan man ang cabo, ito ang cadahilana't hindi niya nalalaman ang cung bakin gayon ang pananalitâ. ¡Pagcalalaking bagay ang natututuhan sa Madrid! ¿Sa macatuwid n~gayon ang dapat na pananalita'y?... Ayon sa pananalita n~g una, ¿alam mo na?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap