United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Samantala'y macailang dinala n~g dalaga ang panyo sa canyang m~ga mata, at lalo n~g napapakingan ang lacas n~g canyang paghin~ga. ¡Pagcagalinggaling na caluluwa! ang iniisip sa sarili n~g matandang babae; ¡siya na lubhang masunurin at mapagpacumbaba sa lahat! Aco'y nagcasala n~g lalong marami cay sa canya, gayon may hindi aco nangyaring-mapaiyac n~g totohanan cailan man.

¡Ibig co sanang magpamisa n~g isa, guinoo! ang sabi, na ang anyó'y humíhin~ging tawad. Natapos na ang lahát n~g m~ga misa, ang sinabi n~g bulag ang isáng matá, n~g magcagayon, na pinatimyás n~g cauntî ang canyáng tinig; bucas, cung ibig mo ... ¿sa m~ga cáluluwa sa Purgatorio ba? Hindi , ang sagót n~g tagá bukid, at sacá ibinigay ang piso sa sacristán.

¿Ipagdárasal ba natin ang canyáng cáluluwa? ang itinanóng n~g isáng dalaga, caracaracang matapos na niyáng mapagmasdán at masiyasat ang patáy na iyón.

Sinabi co itó sa m~ga pari, dapuwa't hindî nilá acó pinansin: ¿Alín ba ang ibig mong mawalâ, ang sabi nila sa akin, limampóng libong píso ó ang iyong búhay at ang iyóng cáluluwa? ¡Ay, San Antonio! ¡cung nalalaman co lámang ang gayón! ¡cung nalalaman co lamang ang gayón! Humáhagulgol si María Clara.

Ang lalong maliit na pagcacahidwa, ang lalong babahagyang hindi sinasadyang alatiit, humuhugot sa canya n~g isang salaula at napacaimbing lait na sumasampal sa caluluwa; datapuwa't sino ma'y walang sumasagot: maguiguing isa pang malaking casalanan ang mahinahong pakikiusap.

Nang macaraan ang ilang minuto'y tumugtóg ang á las ocho sa relós n~g simbahan, at ipinahayag n~g campana ang oras n~g m~ga caluluwa; n~guni't hindi inanyayahan ni Lucas makipagsugál sa canyá ang sino man, hindi tinawagan ang m~ga patáy, na gaya n~g iniaatas n~g pamahiin; ang guinawá'y nagpugay at bumulóng n~g ilang panalan~gin, nagcruz n~g boong cataimtimang tulad sa marahil guinágawa rin sa sandaling iyón n~g puno n~g Cofradía n~g Santísimo Rosario.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap