United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang banáyad nguni't matitinding pangungusap ng pangulo, ang nanginginig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paningin, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá. Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limang minuto; walâ pa ring sagót. Walang kamalák-malák ay nangagtilian ang mga babáe. "Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko!

Hindi namin matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako.

VOSES. Sa "Kun sino ..." ay "boses", na kusang isinulat na ganito, upang itugma sa bagong ortograpía natin. Nguni't kay P. Sayo, na nagbago rin ng pagsulat, ay pinapanatili ang datihang "voces". Sa aklat na ito ay nakikitang ang "voses" na iyan ay lumilitaw ring "voces" kung minsan na isa pang katunayan ng kawalang ingat ng limbagan.

¿Sadyâ? ¿anông sadyâ pa ang sinásabi mo? Akó'y pinaparito niyá ang matuling sagót n~g bugaw ni Pati akó'y pinaparito NIYA, ang ulit pang nang-lalakí ang boses at sakâ minalas malas ang kanyáng kausap na tila bagá warìng sinúsukat ang kanyáng m~ga pananalitâ. Ang dating namúmulâng mukhâ ni Sawî, noón ay namutlâ. ¿Sinóng niyá ang sinásabi ni Tamád? ¿Si Pati?

Maraming salamat po na waring ang pagsasabi ni Leoning ng ngalan ay ipinakahinahina ang boses. Nguni't parang walang ano man yaon. Hindi namalayan ng dalawang hindi nakababatid ng lihim ng puso ni Leoning at ni Eduardo. At pamuli na namang tumugtog: isang foxtrot naman. At salamat na lamang sa pagkakataong yaon.

Hindi, walang humarang sa aking sinuman; pinarusahan ako ng Diyos. Alam na natin, na ang lahat ay galing sa Diyos; nguni't may pinagbubuhatan. Saan ka paroroon? Kahit saan. Namangha si Semel. Ang taong ito'y walang pagmumukhang masama, ang boses niya'y kalugod-lugod, nguni't walang ipinagbabadya na tungkol sa kanyang sarili.

Dangan nga lamang naman ay hindi pa rin niya mapaniwalaan pagka't ang tinig ng pangungusap ay iba at hindi tila boses ni Leoning. Nguni't aywan din natin. Maaaring sa mga gayong pagkakataon ng halakhakan ay magbalat-kayo ang lahat: pati tinig ay maaring magbalat-kayo. Nguni't si Leoning nga kaya yaon?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap