United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagkakáin ng almusalán, ang ating máginoo ay humílig sa isang sillón; at dito'y sinimulán ang waláng lagót na pagpapaúsok sa isang "Germinal". Hinintáy pa munang mangalahátì ang sagisag na iyón ng isa sa mga masasamáng hilig ng tao, bágo nagbihis si Kápitang Memò upang dumaló sa bahay-pamunuan.

"Sa báhay-pamunúan ". Noon di'y lumákad si Gerardo. Dinatnáng bukás ang tanggápan ni Kápitang Memò, kaya't agád siyang pumások. Masiglang binati ang dinatnan: "Magandáng araw !" Ang binatì ay walang itinugón kundî isang tingíng nagbabága sa poot. "Ginoó, ako nga ba'y inyong ipinasusundô?" ang pabulalás na tanong ng binat

Ayon sa kautusán, ang presidente municipal ng isang bayan ay siyang mákakahalíli ng mga hukóm kapág ang mga ito'y walang kaya ó karapatáng lumitis sa isang usapíng "criminál". Sapagka nga't ito ang ipinaguútos, ang mga magsasakdal noon di'y nagsitungo sa báhay-pamunúan upang dumulóg sa haráp ng presidente. SI KÁPITANG MEM

Hinahangaan niya ang ganda ni Elíng, dapwa't di pa sumasambá. Siya lang ay natutuwâ, naiigáyang malásin ang himalâng yaon ng Kalikasán. Noong mangyari ang sigalót sa bahay-pamunùan, si Elíng ay nakaupô at nanánahí ng isang panyô sa loob ng kanyáng tindáhan. Ang mukhâ niyáng kaáya-áya, ay minsáng magníngning sa lugód, at minsáng mangulimlím sa panglaw. Bakit?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap