United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't kung hindi ang buwisit na negro , sana'y hindi nila tayo napaglihuan. At ang dalawa man naman ay nagsilabas na rin. Sa nais manding ganap na malimutan ang gayong dagok n~g kasaliwaan ay nagkaisang magpapauwi na kapwa n~g bahay at hindi na tuloy makikibahagi sa kasayahang pinagpupuyatan sa lahat n~g dako.

Hindi na po kailan~gan, ang tanggi n~g tinukoy. ¿At di ba kayo naniniwalang talagang siya at si Silveira ang nasalubong natin? Naniniwala rin, n~guni't ¿nasaan sila? ¿Ano't isang matabang negro ang nakatun~go natin pahinto n~g ating sasakyan? ¡Ang buwisit na negro ! At sumunod na naman ang pagkakain~gay n~g tawanan.

¡Buwisit! ¡Makikita mo, paglabas natin! ang mahina pang salo ni Elsa na di nalalaman ni Tirsong kahi't biro ay may kalakip na katotohanan. ¿Makita ko? ¿At ipakikita mo ba? Kung gayon ay tayna. ¡Magtahan ka na n~ga! Hindi ko na tuloy maunawaan itong pinanonood natin....

Gayon ma'y pinilit nilang magdagdag n~g bilis ang mabilis nang takbo n~g kanilang kabayo, sa nais na mapalapit din sa tatlong nagpapalusutan. ¡Palo, kaibigan! ang utos pang nagkakanggagahol ni Martinez sa kutsero. ¡Buwisit na kabayo! ang payamot namang saad ni Dr. Nicandro na sinasabayan pa n~g kamot n~g ulo. ¡Pagkabagalbagal!