United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Humanap siya ng pook na tago sa mga mapagkunwaring babae na mapagsukab. Doon sa walang maririnig na bulungbulungan ang kanyang sarili. Inilagan niya ang masasamang kinakakakitaan ng paris noong nangyari sa kanya. At, kanya na lamang na isadilidiling: Ilan pa kaya ang mga babaing nagsisipagugali ng gayong hindi namamalayan ng kanilang mga kabiyak ng puso?

Kaya't gayon din lamang ang naghaharing bulungbulungan ay tinangka na niya ang magpaalam. At, isa pa ay itatanong sa kanya kung ano ang kahulugan ng mga hiwagang yaon datapwa't hindi naman niya masagot kaya't nagtindig na siya at sinabing: Leoning, hanggang sa muli. Hwag mo sanang limutin ang muli mong pagdalaw dito.

Naputol ang tawánan dapwa't di ang bulúngbulúngan, di ang pagsulyáp sa demónyo at sa tinábig niyáng napangiwi't súkat. "Síno nga kayâ iyan?" ang mulîng usisa ng bálana. "Ah, kilala ko na! iyán ay si Tunyò" anang isa. "Hindî, si Basio iyán!" anang isa pa "tingnán mo't ang katawán ay Basiong-basio!" "Hindî; maniwal

Halos nabatid ng marami nguni't ang sanhi ay tila naging lihim sa madla. Walang naghari kundi ang mahiwagang pagpapakamatay ni Daniel Perez, datapwa't hindi nababatid ang lihim. Mga bulungbulungan lamang ang siyang kumakalat: nagbaril si Daniel Perez ng hindi malaman ang sanhi. May nagsasabing sadya ng nagsasawa sa buhay at may nagsasabing nasiraan ng pagiisip, kung kaya't inutas ang sarili.

Sumakay siya at ang matandang Pepe naman ay ipinagsama ng dalawang sekreta sa Bagong Bayan upang kunan ng ilang tanong sapagka't walang iba kundi ito ang may kinalaman sa pangyayaring yaong gulo. Kaya't gayon na lamang ang nagharing bulungbulungan! Ano nga naman ang naging sanhi nang pangyayaring yaon at ang isang Pako pa na pamangkin ni mang Pepe ang tinamaan?

Kaya walang naghahari sa mga lipunang dating kinabibilangan at kinasasamahan, ni Daniel Perez, kundi ang sarisaring bulungbulungan: May iba't ibang palagay ang isa at may iba't ibang pagkukuro ukol sa pagkamatay na iyon ni Daniel Perez. Nagbaril sa sarili ang kulang palad! Nagbaril si Daniel Perez, na ang balita ay halos kumalat sa lalong matataas na lipunan sa Maynila.