United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagdaca'y tinun~go at cusang hinanap caniyang confesor na may puring hauac, pagcaquita niya'y agad n~g tumauag, may luha sa mata't siya'y napalin~gap. Ang sagot sa caniya: Huag n~g magbalic sa coventong yaon n~g curang bulisic, aco ang bahalang sa lahat umusig at mananagot pa sa caniyang nais.

Sa sama n~g loob n~g batang na iyac tumugon n~g uicang lubhang mabanayad; Oo na po among mamaya tutupad caya't magbalic po at aco'y pápayag. Sa bagay na ito'y ang curang bulisic sumagot n~g: Oo't pagdaca'y nalis; guinaua n~g bata'y tumaanang pilit na di namalayan nino mang casanib.

Itong sinabi co'y itanim sa isip at pagtitibayin buhay ma'y maamis, ¡di co acalaing mag asal bulisic, ang isang ministro n~g Dios sa lan~git! Nang ito'y marinig n~g curang causap sa pagcaupo n~ga'y tumindig caagad, at saca uinicang: ¡Tandaan mong lahat, darating ang arao siyang pagbabayad!

Caya n~ga't sa bahay n~g aleng tinuran ay doon inabot n~g cura't sacristan, ang batang babayeng ulila sa layao, capos sa ligaya at sa toua'y uhao. Nang siya'y maquita n~g curang bulisic pagdaca'y uinicang; ¡oh babaying ganid! acala mo yata aco'y palulupig sa isang paris mong licó ang matouid.

Mapamayamaya dumating ang juez clérigo'y casama't sa bahay pumanhic, dito n~ga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata sa lihis. Pagpasoc n~g juez doon sa pintuan pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan, aniya'y sumama sa aquin n~ga icao sa n~galan n~g ley bilango cang tunay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap