United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagdaka'y nakita na lamang daw n~g pulis na susuraysuray na sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, n~guni't pagkalapit ay bigla na lamang napahandusay. Nang aking siyasati'y may ilang bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa n~g pagkakahulog mula sa alinmang mataas na lugal. Ang aming ambulanciang ikinuha sa kanya ay nakasagasa naman sa raan n~g isang kalesa.
Hindi ko po kasama ... ang nagaalan~ganing sambot n~g mestisa. ¿Saan kayo naghiwalay? Sa ... ospital po. ¿Ha? Doon ko n~ga po siya iniwan, sapagka't.... ¿Sapagka't ano? Nagkaroon po n~g sugat.... ¡Elsa, alangalang sa Dios, ako'y linawin mo! Tia, si Tirso po ay nasa pagamutan n~ga, sapagka't sa di namin hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya n~g ilang sugat at bugbog sa katawan....
Pagdaka'y bumalik si Semel sa simbahan at tinungo ang tao. Pagkalapit ay minasdang maigi. Ang taong yaon ay bata pa at may mabuting katawan. Wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang katawang hubad, nguni't nanginginig sa ginaw at parang nagulat. Sa pagkasandal sa pader ay hindi tumitingin kay Semel; sa pagkahiya mandin ay hindi man lamang maidilat ang mga mata.
Salita Ng Araw