United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anang príncipe at badyá núno'i, magdalang áua ca na cun may baon cang dalá aco'i, limusan po niya. Sagót nang matanda naman mayroon nga acong taglay, munting duróg na tinapay quinacain co sa daan. Narito't, cumuha ca na at nang huag magutom ca, nang cay don Juang maquita ay nasuclám bagá siya. Ang tinapay ay maitim ang isa pa ay bucbúquin, sa malas niya at tingin nacasusuclám na canin.