United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sino ma'y waláng humahandóg na sumisid sa calaliman. Ang tubig ay malalim. ¡Dapat na itáli natin siyá sa ating bangcâ at sacâ caladcarin n~g boong pagdiriwang! ani Sinang. ¡Dapat bang cánin ang m~ga isdáng talagáng cacanin natin! ¡Hindî pa acó nacacakita hanggá n~gayón n~g isáng buayang buháy! ang ibinulóng ni María Clara.
Pinaroonan ang cabiláng baclád na may malaking pag-aalinlan~gan; marami ang umaasang naroroon doon ang babaeng buayang asawa n~g nápatay, n~guni't mápagbirô ang "Naturaleza", caya't laguing punô n~g isda ang sáloc cailanis ma't ililitaw.
Datapuwa't ¿ano pô bang sacunâ ang nangyari sa atin, m~ga guinoong babae? ang tanóng ni Ibarra. ¡Ang buaya ang siya lamang kinulang pálad! At ang bagay na ito'y nagpapatotoo, ang iniwacás n~g naguing seminarista, na sa boong canyáng macasalanang buhay hindî nagsimbá cailan man ang sawing palad na buayang ito.
Cailan ma'y hindî co makitang siya'y nácasama n~g lubháng maraming m~ga buayang malimit na pasasimbahan. Nagsiparoon n~gâ ang m~ga bangcâ sa cabiláng baclad, at kinailan~gang mulíng maghandâ si Andeng n~g ibáng sabáw na pagsisigan~gan.