United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lahat ay patakbóng pumasok sa pook na iyon dátapwa't walang natagpuan kundi isang botellitang may tatak na arsênico at ang dalawang sulat na kilalá na n~g bumabasa ang lamán n~g isá, sapagka't siyang sinulat ni Benita bago nagtankang magpakamatay, at ang isá namán ay ganito ang nasusulat: «Sa lakás n~g pilak ay mayroon pang dumádaig; ang lakás n~g lakás .==Juan Masili». ¡Juan Masili!
Masabi ang gayón ay lumapit sa isang mesa na kinapapatun~gan n~g isang botellítang may lamán, isang tintero, pluma at papel . Umupo sa piling n~g dulang at itinitik sa kaharap na papel ang ganitong talata: «Huwag ninyong sisihin ang sino man n~g dahil sa aking pagkamatay, sa pagka't waláng may kagagawán kundi akong mag-isá lamang. «Hindi ko maamín ang mápakasal sa taong kinasusuklaman.
«¡Ay Enrique! «Sa kabilang buhay na kitá mag-isáng puso. «Benita». Matapos maisulat ang gayón ay sinungabán n~g nan~gin~ginig niyang kamáy ang botellítang may lason. N~guni't n~g nasasabibig na ang labi n~g botella ay may nadin~gig na kaluskos sa nakalapat na durun~gawan at ito'y nabuksán upang makaraan ang katawan n~g isang binata.
Salita Ng Araw