United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mabunying Infante Estatira bilang n~galan nang canilang Anác na pan~ganay, ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman sa Reynong Borgoña'y tan~ging cagandahan. Bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca-masintahin sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen.
Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia ay hindi cristiano at man~ga gentil pa, at ang Hari doon na kinikilala na namamahala ay si Clovis bagá. Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim na yaong Reyno nang Borgoña'y bacahin, caya n~ga't caniyang inutusang tambing tanang embajador nang ganitong bilin.
Caya n~ga at naguing casabihan siya sa ugali't kilos tan~gi pa sa ganda, anopa't marami ang naliligaya bakit n~ga sa duc-ha ay malimusin pa. Doon na Borgoña'y isang araw naman nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan. caya n~ga ang Hari at caguinoohan ay dumalo't sampong taong caramihan.