United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mga binatang mawilihin sa mga binibining may magagandang ayos ay payak na nakapako ang panin~gin sa asawa ni D. Armando, na nang gabing iyon ay lalo pang gumanda sanhi sa mga suot niya. Ika siyam na ganap ng gabi, nang ang pangatlong "campanada" ay nadingig ng lahat ng dumalo sa dulaan na sinundan pagkatapos ng pag-aangat ng "Telon de boca."
Nang uliting iangat ang "Telon de boca" at simulan na ang "tercer acto" ay lalo pa ding nagtamo ng maraming palakpak at muling hiniling ang "Autor" noon. Sa gayon ay nagkagulo sa Dulaan, at pagdaka si D. Armando ay linisan ang inuupan at inaowi sa kanilang bahay si Magdalena, na lubhang di ma-alaman ang nangyaring iyon.
Salita Ng Araw