United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git.

Alamin mo Leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso ... Oo, Leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi ... Oo, Leoning.

Ang m~ga mundong waláng tiguil n~g mabilís na pagtacbó n~g araw. Cung masdán natin dito sa lupa'y m~ga bituing malamlám ang ningning. Ang m~ga pan~gulong planeta, alinsunod sa canilang láyò sa araw ay ang m~ga sumusunod: Mercurio, Venus, ang Lupang ating tinatahanan, Marte, Júpiter, Saturno at Neptuno.

Itó'y bulaklak na waláng bañgó, ñguni't bulaklak. Itó'y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni't may araw na nakapapaso't nakasusunog sa maninipis na balát.

Magarang magarang animo'y bituing nahulog sa lupa, kung minsa'y nagiging hibang itong diwa at kung magkaminsa'y para akong bata, paano'y hindi ko masukat sa haka ang nararapat kong ihaing paghan~ga. Kung kita'y itulad sa dakilang araw at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan, ay masasabi mong ako'y walang galang at ako ay bihag niyong gunam-gunam. Subali't butihin!

Nasain mang manatili sa pagkakatampok sa alaala at pagpapahalaga n~g Kapisanan, ang Kapisanan ay siya nang kusang lumilimot sa kanya't ang n~galan niya ay itinuturing na lamang na isang bituing untiunting nawawala sa masayang lan~git. At si Elsa ay hindi pa kadaglidagling makatatalikod sa kasayahan.

Ang cometa'y tulad sa bituing manacanacang napapanood natin sa lan~git. Ang Cometa'y ma'y buntot na makinang na cung minsa'y isá at cung minsa'y marami. Palibhasa'y ang galaw na painóg n~g cometa'y hiwaláy na hiwaláy sa caraniwang liniliguiran n~g m~ga planeta, caya hindî nalalao't ang pagkakita natin sa canya. Isáng casinun~galin~gang ilinalaganap n~g m~ga han~gal na ang pagsicat n~g cometa'y nagbabalita n~g m~ga sacunang mangyayari. Tinatawag ding "cometa" n~g m~ga castil

Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang lan~git ay biglang nasabugan n~g m~ga maliliit na mata ni Bathala, noon m~ga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g m~ga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag. Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig: Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas. Ako ... ang sagot naman. Sinong ikaw? Ako, ang iyong minamahal. Peping!

Ang binata'y sandalîng napípi. Kinintalán ng isang títig ang bitúing kauláyaw bago tumugón: "Elíng, di ko mawatásan ang iyóng salitâ. Ibig mo bagáng sabihin na ako'y walâ nang pag-asa?" "Iyon ba ang kahulugan?" "Aywán ko." "Aywán ko dáw!" "Abá!" "Wik