United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mulâ pa rito sa lupa'y pinarurusahan na cayó n~g Dios n~g m~ga pagcapiit at pagcabilanggô! ¡Ang m~ga mag-amag-anac, ang m~ga babae ay dapat lumayô sa inyó: dapat cayóng bitayíng lahát n~g m~ga namummunô at n~g hindî lumaganap ang binhî ni Satanás sa halamanan n~g Pan~ginoon!... Sinabi ni Jesucristo: Cung cayó'y may masamáng casangcapan n~g catawáng humihicayat sa inyó sa pagcacasala, putulin ninyó, iabsáng ninyó sa apóy!..."
Ang lalong mahihintay at siyá namáng sumasacatuwiran ay siyá'y bitaying gaya n~g m~ga binitay niyóng 72. ¡Siyá'y itatapon! ang sinabing mapangláw n~g matandáng teniente. ¡Itatapon! ¡Itatapon lamang siyá! ¡N~guni't marahil ay mananatili sa tapunán magpacailán man! ang bigláng sinabing sabaysabáy n~g ilán.