United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bakokoy ang palambing na tugon ni Kadiliman, hwag mong babayaan ang ating Kapisanan, hwag kayong makikinig sa masasaráp na sabing madalás magbulid n~g aking kapurihan, kahit pabalubaluktok ang aking sasabihin paniwalaan ninyo, n~g ako'y guminhawa, kahit gawin kong tulay kayo sa aking Kadiliman, ako din ang inyong ibigin; nadinig ni Kamagong ang m~ga salitang itó na halos nagpupuyos ang kanyang dibdib; n~guni't di binubuka ang kanyang bibig.