United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di binig-yang daang aquing pang mabunot ang sacbát na cáliz at maca-pamoóc boong catauán co,i, binidbíd ng gápos piniit sa cárcel na catacot-tacot. Sabihin ang aquing pamamangha,t, lumbáy lálo nang matantóng Monarca,i, pinatáy n~g Conde Adolfo cúsang idinamay, ang Amá cong irog na mapagpalayao.
Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim. Binidbid ang gayong caparan~galanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa ban~gin niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang.