United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa lalawigang itó'y walâ náng ibá pa na tan~gi sa pagkamagandá n~g kanyáng m~ga binibini kundî ang bayang iyón. Alám ko .

Kay tamis mong magmahal ang pauna n~g binata. At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating binibini. Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at m~ga lan~gitn~git n~g sahig na muli ang narinig mulá sa itaas. ¡Nagising! ¡Nagising! ang halos panabay n~g dalawa.

Nawiwili na si Leoning sa kanyang bagong kasuyuan, ang kanyang kasuyuan ngayo'y siyang laging nagpupunta sa bahay ng binibini upang makipagusap at makipagpalitan kay Leoning ng mga balita at buhay-buhay. Ang kaagaw niyang yaon ay isang matanda ng binata na ayon sa kanyang balita ay isang mayamang mangangalakal na naging kasama ni mang Alejandro na kapatid ng ali ni Leoning.

Isang batong mabigat ang nakapataw n~gayon sa puso n~g binibini, isang suliraning pinaglalahuan n~g matwid ang di makaya kayang dalhin n~g isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay n~gayon lamang nagtikim n~g hirap, n~gayon lamang nasubo sa laran~gan n~g pagbabata, sapagkat ang m~ga nagdaan niang panaho'y pawang aliw, pawang m~ga kaligayahang lalo nat sa piling n~g kaniyang giliw.

Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak? ang sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang. Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing: Nakagat po n~g langam ang sulok n~g mata ko. Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo. Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.

Ang binibini, taglay n~g pagkamasunuring anak, ay napahinuhod n~gunit wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang puso, nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa.

Asahan mong ako'y di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. Leoning, salamat. At hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso.... Datapuwa't ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. Ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. Ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. Bakit? Ano ang kahulugan noon? Isang putok ng rebolber ang kanilang narinig.

Datapwa't hindi hinihintay ni Eduardo na sa pagsasayaw nilang yaon, ang binibini pa ang nangunang mangusap at sinabi sa kasayaw na: Kayo na po lamang ang magpaumanhin at ako ay hindi gasinong sanay. At, ang gayong pangungusap ni Fely ay waring nagkaroon ng kahulugan para sa binata. Hindi niya akalaing si Fely ay magsasalita ng gayon.

Oh! palad ... sa pagkarinig niya noon ay waring nagsiklab ang tibok ng kanyang puso. Sumiklab ang kanyang dugo. Ano ang kahulugan ng lahat ng yaon? Diyata? Diyata at may ibang kaagaw siya kay Leoning? Kaya sa pagkauntol ng paghawi niya sa tabing ay kanyang hinintay ang pagtugon ng binibini datapuwa't hindi niya narinig sumagot.

Nan~gag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan n~g kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa kaniyang m~ga pahiyas ay sapat n~g makatunaw n~g isang pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning idinudulot sa kaniya ni Pag-ibig, n~gunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat n~g ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita: Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata n~g m~ga ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang naipamalas ko na? tuloy dinampot ang kamay n~g kaniyang sinusuyo't ginawaran n~g isang piping bulong; ipinitlag n~g binibini ang kaniyang kamay n~gunit na huli sa panahon.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap