United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itóng ating inaabatan n~gayon na ilang sandali na lamang at ikakasal, ay babantayan na namán marahil at pagkatapos ay ibabalik na muli sa kaniyang magulang n~g ... walang anó man. Ang gayon ay hindi dapat ipagdamdam n~g isá man sa inyo, sapagka't kahit hindi ko hinihin~gan n~g tubós ang m~ga binibining binibihag ay hindi namán nawawala ang inyong kahati sa pagpapagod.
Magmula noo'y bayan ang tirahan n~g lahát, ang bundók ay nagíng isáng tagpuan n~g m~ga magkakasama at ang yun~gíb na dating tahanan n~g m~ga pinaguusíg n~g civil ay naging tahanan n~g m~ga binibining binibihag, na matapos maalagaang wari'y m~ga princesa ay pinauuwing hindi man pinakikinaban~gan n~g sino man sa atin at wala mang tubós.