United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi ka sana dapat magkaganyan, halika at magsayaw ka. Hwag na, salamat, ikaw na lamang. Hindi, hindi Eduardo, halika at binatak sa kamay ang kausap. Pako, sukat na huwag na.... Hindi nakatanggi ang ating binata at sumama rin. Masama nga namang malasin ang sila ay magbatakan pa sa karamihang yaon ng mga tao. Sukat na ang isa ay umayon. Pako, wala pati akong pareha.
Ikaw ang bahala, ang paagaw na sabad ni Bakokoy, binatak n~g banayad ni Tenteng si Bakokoy at saka binulun~gan n~g wikang: Masama ang pakiramdam ko sa ating Apô-Apông si Kadiliman ginagawâ tayong sangkalan n~g kanyang pagka talipandás, n~g maantilo ni Bakokoy ang salitang ito ni Tenteng, nagalit si Bakokoy, at pagalit na itinanong kay Tenteng kung matutunayan ang gayon; tinanong pa n~g: ¿Patotohánan mo ang iyong sinasabi? na pinag surot-surot ni Bakokoy sa mukha ni Tenteng.
Pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na nakatingin naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. Siya'y muling nasok at upang maghanda ng hapunan. Siya nga ay naghain at kanyang inihain ang kahuli-hulihang tinapay. Hala, kumain ka, ang sabi. Binatak ni Semel ang binata hanggang sa dulang. Lumapit ka kapatid. Pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain.