United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ani Colin ay nakita niya ang paglilibing sa isang pan~gulo sa Bohol na sinamahan n~g pitong pung alipin. Si P. Chirino ay may binangit din sa kanyang aklat na ganito. Ang paglalagay n~g bangkay sa matataás na lugal ó dako at gayon din ang pagbibitin sa m~ga punong kahoy ay inugali n~g ilang lahi noong una at marahil, ay upang main~gatang huwag malapa n~g hayop.

Marahil isa ka sa nagsulsol sa kay Autor Hito; m~ga ingitero, ang paismid na sabi ni Kadiliman. ¿Bakit? ang patawáng tanong ni Tenteng. Buhay ko ang pinalabás sa Teatro noong ika 2 n~g Mayo, ang sagot ni Kadiliman. ¿Bakit, binangit ka ba? Hindi n~ga ang tugon ni Kadiliman, n~guni't katulad na katulad n~g aking ugali ang asal ni Tio Agong sa obrang Apô-Apô na itinanghal.

Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang sugat, waring nag dilim ang m~ga panin~gin, na alinsan~ganan at sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná n~g isang filosopito na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong n~g ganito: ¿Bakit namumula ka? Naiinitan ako ang sagot. ¿Sa daming tawong nandito n~gayon, ikaw lamang ang naiinitan?

Ang tapis ay huag mong limutin kailan man, sa bihis tagalog sadyang kasangkapan: ang baro at saya kahit mura lamang ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam. Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis sa kakastilaang dito ay sumapit: m~ga nuno natin n~g tapi'y gumamit, tapis ay nangaling sa taping binangit.

Anáng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang m~ga ito n~g tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa m~ga itim, at anáng m~ga mananalaysay na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang m~ga Jesuita na ibinibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit tungkol sa binangit n~g m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang m~ga binangit n~g m~ga Jesuita na naibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang niya.

Isa sa m~ga kapaniwalaan n~g ibang m~ga Tagarito na binangit, n~g m~ga mananalaysay ay itong sumusunod: Ang m~ga tao sa baybayin na pinan~gan~ganlang Iligayanes ay naniniwala na ang lupa't lan~git ay hindi nagkaroon n~g pasimula: at di umano'y nagkaroon n~g dalawang Diyos na ang isa'y nagn~galang Kaptan at ang isa'y Magwayan : at ang han~gin sa lupa at ang han~gin sa dagat ay nagkaisa at sumuka n~g isang kawayan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap