United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Aba cabababaang loob na Jesús! Na baquit icao ay manin~gas at maliuanag pa sa arao, ay tiquis cang nagpacaonti, at ipinaglin~gid mo ang ningning at sinag nang iyong carunun~ga,t, camahalan sa alapaap na marupoc nang aming catauohan, at nagcaloob ca sa aquing Amang san Agustín nang malacas na loob na ipinagpaualang, halaga,t, ihinamac nang dilang puri at dan~gal dito sa ibabao nang lupa; at tulad sa iyo, at nagdamit nang mababa at murang damit ermitaño, binago,t, binalic ang man~ga dati niyang camalian, at isinulat na ipinahayag sa boong sangmundo ang caniyang man~ga casalanan nang totoong caguilaguilalas na capacumbabaan nang loob, na di pinan~gahasang tularan nang sino man.