United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun malubha ang maysaquit ay parapitan sa batoc, ó sa guitna nang dalauang balicat, ó sa man~ga bias nang man~ga camay, ó sa man~ga paa; saan man doon ay na-aari; cun baga galis ang lungmubog ay maigui igaua nang capaanyoan ang maysaquit, nang mangyaring siya,i, malalinan uli nang galis. Ang gamot sa namamaga ang boong catauan na ang tauag nang castila doo,i, hidropesía.

Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275. Ang gagauin cun lungmingsad sa dacong quiliquili ang isang bias nang camay, Cun minsan ang isang bias nang camay, yaon bagang buto na nangagaling sa balicat na patuloy sa sico, ay ungmaalis doon sa dating quinadoroonan.

Itong dulo nang lanceta,i, ibabad, ó isasaosao doon sa nana nang bulutong na hinog; pagca napasaosao doon ang dulong yao,i, pagcaraca ito ring dulong may dalang nana, siya ang icacadlit ó itudtudloc sa ibig tamnan nang bulutong, doon sa ibabao nang caniyang sico, sa bias baga. Itong tudloc ay tatlo sa balang isang camay, at ang pag-itan nang man~ga tudloc ay isang daliring mahiguit.

Ang lagnat nang bubulutun~gin ay iilang oras lamang ang calac-han; saca ungmuunti ang lagnat at pinapauisan nang malaqui. Sa catapusan nang lagnat, sa icatlo ó icapat na arao ay lungmilitao ang bulutong na casabay nang pauis na sungmusunod sa lagnat. Ang unang sinisibulan nang bulutong ay ang muc-ha, saca ang camay; sungmusunod ang bias nang camay, ang liig at ang ibabao nang dibdib.