United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !
=1897.= Ika =10 n~g Mayo=, pagkabaril kay Bonifacio at sa kanyang kapatid na si Procopio. =1897.= Ika =4 n~g Agosto=, Kasunduan sa Biak-na-Bato. Abril, pagsimula n~g digmaan n~g España at Estados Unidos. Ika 1 n~g Mayo, pagkakapalubog n~g m~ga pangdigmang dagat n~g m~ga amerikano sa m~ga pangdigma n~g m~ga kastila. Ika 15 n~g Mayo, paglunsad ni Aguinaldo sa Maynila, buhat sa Hongkong.
66. =Ilang panahon nagtagal ang paghihimagsik?= Mula n~g ika 29 Agosto n~g 1896 hanggang noong pumasok sa Maynila ang hukbo n~g m~ga amerikano noong ika 13 n~g Agosto n~g 1898, bagaman n~g lagdaan ang "Pacto de Biak-na-Bato" noong ika 4 n~g Agosto n~g 1897, ay nahinto ang labanan na inulit uli n~g Mayo n~g taong sumunod, 1898, n~g nagbalik dito si Aguinaldo na buhat sa Hongkong.