United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong ipan~ganac ni María sa Belen ang Anac nang Dios. Sa Comunion nitong icalauang Domingo, ay pasalamatan si San Josef, dahilan sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang macapangyarihan pamamaguitan niya. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sadyang nauili sa devocion sa SANTA FAMILIA.

Pagcaraan nang ilang arao n~g paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef n~g isang Angel, at pinagsabihan na siya ay buman~gong madalí, at dalhin agad sa Egipto si Jesus at si María, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang m~ga sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay sa ganoong patayan.

Ang ipanganak sa mga araw na ito, hanggang ika 20 ng Pebrero, kung lalaki'y masayahin, marunong at may mabuting ugali, mapapahamakin sa tubig, malalagnatin at yayaman. At kung babai'y matapatin at magiliw, yayaman, marunong at may pagiisip sa hanap buhay. 22 Linggo Ss. Vicente diak. at Anastacio mrs. 23 Lun. Ss. 24 Mar. Ntra. Sra sa Belén at Ss. Timoteo at Feliciano obs. mrs. 25 Mier.

Pagninilay sa icalauang Domingo. Alinsunod sa utos ni Cesár Augusto, si María at si Josef ay naparoon, at napasulat sa Belen, sa pagcat sila ay man~ga tauo nang lahi at angcan ni David, na taga roon, at sa Ciudad na iyon inibig nang Dios na ipan~ganac ang Mesias. ¡Anong laqui nang lumbay at hapis ni San Josef, sapagcat ualang ibig magpatuloy sa caniya sa boong Ciudad, at sa pilitang napalual sa bayan, at dinala at ipinasoc si María sa isang yun~gib, na quinacanan at sinisilun~gan nang man~ga hayop!