United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si doña Victorina'y di na masasabing maaariari pa, tunay na di na maaari; nauwi na lamang ang canyáng malagong buhóc sa isang pusód, na ayon sa sabi n~g canyáng alilang babae'y ang ulo n~g bawang ang nacacasinlaki raw, ang m~ga culubót n~g canyang mukha'y tulad sa dinaanan n~g araro at nagpapasimula na n~g pag-uga ang canyang m~ga n~gipin, nan~gagdaramdam na rin naman ang canyáng m~ga matá, at malaki na ang ipinagdamdam, caya't kinacailan~gan na niyáng ga ipikit na n~g caunti upang macakita sa dacong may calayuan; ang caugalian na lamang niya ang tan~ging sa canya'y natira.
Salita Ng Araw