United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lumubóg na mulí bagá ang mariquit na princesa, icatlóng pag-litao niya ang batia'i, siniquil na. Mulí namang inalitao ang daliri niyang mahal, ito namang si don Juan pagtulog ay cahimbingan. Sa hindi rin cunin ngani singsing doon sa daliri, ay inihulog na mulí umahon siyang madalí. Nang sa princesang maquita si don Juan niyang sintá, himbing na ualang capara ay guinising nanga niya.
At umahon nanga siya sa batia'i, sumacay na, dulong hintuturo niya ang siyang ipinaquita. Tingnan mo ito don Juan ang aquing daliri'i, culang, ito'i, tandaan mo bilang na sucat ipagcaquilanlan. Yao na't, umahon bagá dalauang magcasi't, sintá, ang princesa'i, nagtuloy na sa real palaciong sadyá. Sa pagtulog na mahusay nang hari niyang magulang, ipinailalim sa unan ang singsing na minamahal.
Salita Ng Araw