United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapuwa't siya'y pinacaaalagaan n~g canyang m~ga caibigang babae, n~g canyang amá at n~g canyang tía; nagpapadala n~g m~ga pamisa at n~g m~ga limos sa lahat n~g m~ga larawang mapaghimala; nan~gaco si capitan Tiagong maghahandog n~g isang bastong guinto sa Virgen sa Antipolo, at sa cawacasa'y nagpasimula n~g untiunting paghibas n~g lagnat n~g boong cahusayan.
Doo'y may isáng larawang "al óleo" n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan: ¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa!