United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
Untiunting nasásarhan ang m~ga pilic-matá niyá, ang balingtatáo n~g canyáng m~ga matá'y nananatili sa pagtitig sa lan~git na pinapawiran n~g mapuputíng alapaap; ibinabalì ang liig upáng macapanatili sa panonood n~g liwanag n~g araw, n~guni't pagdaca'y napilitang lumubog sa tubig, at tinacpán n~g carumaldumal na tabing na iyón ang canyáng minámasdang daigdíg.
¿Mangyayari bagáng catá'y limutin? ang sagót na nan~gan~gaanino n~g boong ligaya sa m~ga maiitím na balíngtatao n~g dalaga; ¿mangyayari bagáng magculang acó sa panunumpâ, sa isáng panunumpang dakila? Natátandaan mo ba ang gabíng yaon, ang gabíng yaóng sumísigwa, na icáw, n~g makita mo acóng nag-íisang tumatan~gis sa siping n~g bangcáy n~g aking iná'y lumapit ca sa akin, ilinagáy mo ang iyong camáy sa aking balícat, ang camáy mong malaon nang ayaw mong ipahintulot na aking mátangnan, at iyong sinabi sa akin: "Nan~gulila ca sa iyong iná, acó'y hindî nagcainá cailán man.": at dumamay ca sa akin n~g pag-iyác. Iniirog mo ang aking iná at icáw ay pinacaibig niyáng tulad sa isáng anác. Sa dacong labás ay umúulan at cumíkidlat; n~guni't sa acal
Salita Ng Araw