United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Magaling ang pagcacalabas ni Chananay at ni Balbino, baga man may caunting pamamaos nilá: isang pagcantáng hidwa n~g caunti sa música ang guinawa ni Balbino, datapuwa't catacatacá ang cabooan at ang canilang pagpupumilit sa mabuting pagganap.
Nang cantahín na ni Balbino at ni Chananay ang "Incarnatus est", n~g magasiluhód na ang lahat, at n~g magsitun~gó na ang m~ga sacerdote, ibinulóng n~g isang lalaki sa tain~ga ni Ibarra ang ganitó: "Sa ceremonia n~g bendición ay huwag pô cayóng lálayô sa cura, huwag cayóng lulusong sa húcay, huwag cayóng lalapit sa bató; mapapan~ganyay