United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac, nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang caniyang pag-iiyac, at ang mañga caraiñgan nang caniyang mañga caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog ang isang mahigpit na hatol at sentencia , na ang iniuutos doon, ay: ipadala agad sa Balabac si Próspero "Baticot anac ni don Andrés Baticot at ni doña María Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa caniyang masasamang caugalian at antecedentes at dahilan sa mañga perjuiciong guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."
Ayon dito sa utos na ito,i, dinala ñga si Próspero doon sa Balabac, at doon dao,i, namatay, ang balita nang tauo. Sa uala nang magaua si cabezang Angi sa Maynila, ay umoui rito; datapoua,t, bago siya,i, macarating dini, ay nagpalimos sa mañga bayan-bayang dinadaanan niya, palibhasa,i, uala siyang bauon, at uala namang cuartang ibibili nang cacanin.