United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong magandang hatol ni Tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui-inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila . Cun ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang aasalin.

Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitlá nang man~ga binata: ang bato,i, sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang nacaaagnas. Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na magpahayag nang caniyang masamang nasa.

Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa calagayan iyan, ay maguiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t, cun ulila ca na sa ama,t, sa ina. Sa madlang baguntauo, na nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman aco.

MINAMAHAL CONG CAPÁTiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na inaacala na may inin~gat na cabaitan. Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madalás sumagui sa aquing pagiisip, cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin.

Cun ang bata ó baguntauo, ay nagpapacial na casama,i, capoua binata, ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan ó naghihiyauan parang ulól, ó nagaaglahian nang mahalay, sapagca nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.

Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan lamang ay nadurun~gisan. May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang man~ga magulang. Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa baguntauo.

Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo, ¿saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usá, na hinahabol nang áso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at mapatay?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap