United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa guitnâ n~g malúang na bacurang iyón may nacatayóng isáng malaking cruz na cahoy na natitiric sa patun~gang bató. Inihapay n~g unós ang canyáng INRI na hoja de lata, at kinatcát n~g ulán ang m~ga letra. Sa paanan n~g cruz, túlad sa túnay na Gólgota , samasamang nábubunton ang m~ga bun~gô n~g úlo at m~ga but-ó, na ang waláng malasakit na maglilíbing ay itinatapon doon ang canyáng m~ga nahuhucay sa m~ga libin~gan. Diyá'y man~gaghíhintay silá, ang lalong malapit mangyari, hindî n~g pagcabúhay na mag-ulî n~g m~ga patáy, cung dî ang pagdatíng doon n~g m~ga háyop at n~g silá'y painitin n~g caniláng m~ga tubíg at linisin ang caniláng malalamig na m~ga cahubdán. Námamasdan sa paliguidliguid ang m~ga bagong hûcay: sa dáco rito'y hupyác ang lúp
Salita Ng Araw