United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dapat na maunang mag-alay n~g kamay ang nakatataas sa pagkakamayan; sa m~ga batian ay gayon din naman, di sukat mauna ang natataasan. Kaya ang babayi'y siyang nararapat mag-alay n~g kamay sa makakau-sap sapagka't saan mang m~ga paghaharap, ang babayi'y siya ang nakatataas. Gayon man ay dito'y nakagawian na ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna.

Pagka't sa babayi'y pagdusta n~gang tunay n~g isang lalaki kung hindi samahan; kaya,t ang babayi'y nararapat namang lalaki'y huag hiyain at pasalamatan. At kung hindi gayo'y mapipintasan ka, mangmang na babayi, walang munting sigla, para kang babayin bundok na talaga, sa ugaling bayan ay di pa bihasa.

Kung nananalo ka ay huag kang magdiwang kung natatalo ka'y huag magn~gitn~git naman, sa laro'y madalas mahalatang tunay ang walang magaling na pinag-aralan. Babayi'y di sukat lumakad sa daan n~g walang kasama at pan~git na tignan. n~gunit sa lalaki ay hindi kailan~gang mapag-isa kahit saan mang galaan.

Kung isang babayi ang siyang dadatal lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan; sagutin ang bating kaniyang binitiwan, lusok na upuan sa kanya'y ialay. N~gunit kung lalaki ang siyang darating, ay lalaki lamang ang tatayong tambing; ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring sasagot sa bati ng wikang magiliw.

Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani-kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari-arian. Bahay na maayos ay parang salamin n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin; bahay na magulo'y nagpasabing tambing n~g ugaling salat sa turong magaling.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap