United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang man~ga purgang sinabi co n~gayon ay gagauin lamang pagca nabibilin dito sa libro. Man~ga, ilang tagobiling patungcol sa man~ga gamot na ipinagbibilin dito. Tungcol sa pagsasangra, sa pagpupurga at sa pagpapasuca sa man~ga maysaquit, ay babauasan nang caunti ang man~ga nauutos doon sa libro, dahil sa cahinaan nang catauan nang tagalog.
Pagtalagang cuculo na,i, ihulog mo roon ang timbang cahating dahon nang acapulco, na iyong gagayatin muna, at tuloy pacuculuin mo nang sumangdaling oras calauon. Saca babauasan mo ang apoy, at bayaan mo roon ang palioc na may taquip sa mahinang mahinang apoy nang dalauang oras calauon, at hangan sa maighan nang calahati nang tubig, bago ahunin mo, at houag mong quiquiboing magdamag.
Cun uala pang labing ualong taong edad ang maysaquit, ay binabauasan nang caunti ang saicaualo; at cun uala pang sangpouong taon, ang timbang calahating saicaualo,i, babauasan pa mandin nang caunti. Sa batang may tatlong taon sucat na roon ang sa icalabing-anim na bahagui nang isang saicapat, ó ang halagang isang cuarta. Nota.