United States or Haiti ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon din mabuti itapat na parati ang casangcapang masaquit sa sin~gao nang cungmuculong tubig Magaling ding tapalan nang bulaclac nang camantigui na babayuhin muna na may caunting asin . Datapoua cun hindi guinamot na tambing nang gayon, at tungmutuloy ang sibol, ay babasaing parati ang daliri nang gatas na pinaglagaan nang bulaclac nang culutan, ó tapalan nang tinapay na durog na linahucan nang gatas; ang totoong buti doon naman ay ang levadura nang trigo, nang madaling magnana ang sibol.

Ang bagay dito sa binabalisaosao ay ang pagsasangra sa maysaquit, lalo pa cun ang saquit ay bago, at mataba ang may catauan; gayon din mabuti pacapitan sa linta ang pouitan nang maysaquit. Saca susumpitin nang malimit; babasaing parati ang bayauang at ang punong catauan nang tubig na malacuco, ó nang tubig na pinaglagaan nang culutan, ó nang tubig na ang sa icatlong bahagui ay gatas.

Touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon, ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang man~ga sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang siempreviva, ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat.