United States or Niger ? Vote for the TOP Country of the Week !


Paiinumin nang limonada, ó cun ualang dayap, ang tubig na may sucang caunti ay maigui rin; ang suerong malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting suca ay lalo pang mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. Ang noo, ang quibotquibotan, ó ang boong ulo,i, lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malamig.

Touing oras ay paiinumin nang isang taza nang turo sa número 32, ó cun ualang sampaloc, ay na-aari ang timbang saicaualong crémor. Maigui ring bañusan ang maysaquit hangang tuhod, at lag-yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong tubig. Cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura ó tiyan, at ang pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit.

Yaong casangcapang quinagat nang pusa ó nang aso, lalahiran nang lan~gis ó lana man, at babalutin nang basahang babad din sa lan~gis; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit nang isang pelotilla nang turo sa número 31. At cun baga ibig niyang sumuca, painumin nang bilin sa número 35.

Cun hindi malaquing lugar nang catauan ang napaso, at hindi naglintog, sucat na roon ang tapalan nang damit na babad sa malamig na tubig; yao,i, gagauing parati. Ang madali at ang ualang liuag sa lahat na gamot, maglintog man ang laman, ay ito.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap