United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinulsuhan muna si Ambo, binasá n~g tubig ang batok at saka pínagsabihan: Ang hatol ko sa iyo ay magliguíd ka n~g magliguíd dian sa walong pilapil na yaan, sabay na itinuro ang m~ga pilapil, na pag dating mo dito'y patuloy ka pa n~g patuloy hangang patiguilin kita. Ako nama'y kukuha n~g iinomín mong gamot na ewan ko lamang sa baat n~g aking salokot na nasa kamalig.